Friday, October 15, 2010

Walang kadala dala ang Kawawang Bata!



Ilang eleksyon ka na tumatakbo, ni minsan di pa nakatikim ng panalo. Di ka ba nagsasawa? Ano ba ang gusto mo ipamukha? Na hindi ka basta basta sumusuko? Hahahha!


 Ipagpatuloy mo lang yan, lalo ka lang magmumukhang katawa-tawa sa karamihan.
Taga Intramuros ka ba talaga? Bkit parang sa iyo ay walang nakakakilala? San ka ba nakatira? Uulitin ko “saan ka ba nakikitira? Hahaha! 


Balita ko malakas ka daw uminom? Sobrang pakisama ay hindi na maganda,  Hindi ba’t minsan isinakay ka ng mga pulis ng ikaw ay nabagansya?


Tatakbo kang Chairman, E ni singkong duling ang bulsa moy walang laman. Di mo pa din ba nakukuha? Ang labanan ngayon para sa pwesto ay pera pera!

Thursday, October 14, 2010

Oh My Glad! Very Bad!


Akoy nagtataka, naipundar mo ba talaga ang mga ari-arian mo dahil sa pag susumikap o dahil sa pagiging corrupt? Ahh baka naman sa pag sisikap na maging corrupt. J
Ilang taon na din kayo ng pamilya mo na namamayagpag sa pwesto, Ano nab a ang naibigay nyo sa ka Barangay nyo? Siguro naman ngayon panahon na para mabago. 
Halos Lahat ng establisyemento sa palaigi ng Brgy. Hall mo balita ko ay pag aari mo. Mas malaki ka pa kumita ng pera kesa sa nanalo sa lotto. Bakit ganon? Ano ba ang totoo?
Kung mgaling kang pinuno , bakit gusto ka kalabanin ng mga kagawad mo? Ayan oh ang gaganda pa ng ngiti nyo.

Wednesday, October 13, 2010

Bongang Bongang Bandong





Sawa na ko sa mag Jeep, gusto ko iba naman. Salamat bayaw sa suporta ha alam kong kayang kaya mo ako panalunin sa eleksyon. Bayaran na Lahat ang pedeng bayaran, madami naman dyan mukhang pera at walang dangal.
 Ako naman ang uupo tapos “First Kagawad ka”. E di nasa atin pa din ang kapangyarihan.
Inaamin ko naming wala akong alam sa pamumuno, pero madali naman magkunwari, lalo pat meron tayong Abogado sa pamilya. Ano naman ang alam ng mga tao, subukan nilang kalabanin tayo, baka itulad ko sila sa mga ginawa ng mga Ampatuan. Hahaha!
Plano ko talagang palakihin ang sugalan sa Barangay natin. Madali ang pera dito kumpara sa Coca Cola o Pepsi.
Siguro isang taon lang ako maupo mayaman na ako, at ikaw naman bayaw ang magpatakbo. Buhaynn natin Lahat ng negosyo mo na pinasara ni Mayor.

Tuesday, October 12, 2010

Di ako titigil hangga’t di ako nagiging Milyonaryo!


Malaki ang pinag bago ng buhay ko mula ng maging Chairman ako, biruin mo dati lang ako nagtitinda sa talipapa ngayon distributor nko ng Coca Cola sa Barangay ko. Nakapag patayo pako ng mga Condo.
Last term ko na nagyon , pero tatakbo pa din ako bilang Kagawad. Idol ko kasi si Gloria Macapagal Arroyo. E ano kung pag tawanan ako, basta ang para sa akin di ako mawala sa posisyon.
Gagastusan ko na lang ang bayaw ko para maging Chariman. At puro single vote ang gagawin ko, para ng sa ganun First Kagawad ako.  Wlang kaalam alam ang mga kinuha kong kagawad na ginagamit ko lang sila para pampadagdag ng boto ko. Kaya nga ang mga pinili kong mga kagawad  ay mga hindi marunong magi sip, para sakal ko sa leeg.
Kamusta na kaya ang mga botante ko na nasa Pangasinan at Vitaz? Dating gawi pa din, kelangan sunduin ng Jeep para makaboto sa eleksyon. Utakan lang yan eh.
Ganun talaga ang buhay pera pera lang talaga ang labanan. Pakain dito , pakain doon, konting gastos sa painom ok na. Madali naman gawing tanga ang mga botante.

Monday, October 11, 2010

iDoL ko si LoLo - apO ako ng DemOnyo


Mabuting ehemplo sa kanyang mga anak at apo. Sa kanyang mga tauhan cya ay numero uno. (cyempre sya ang nagpapasweldo)hahaha…

E tanugnin kaya natin ang mga taong kanyang nasasakupan? Sya kaya ay tunay na mahal o tipong napipilitan lang?

Negosyo at kapangyarihan, ito ang kanyang prioridad. Wlang hinangad kundi ang magpayaman.
Pati mga maliliit, mga pobreng kumikita lang sa pag papadyak ng pedicab na kinukumpetencya pa ng bwitreng kapitan.

Di ako magtataka kung bkit madaming nagpapa alipin sa pulitika, cyempre kapag Kapitan ka di problema ang pera. Isang pirma lang o pagtutok ng baril, ang kawawang mamamayan ay naka yuko na lang.

Kaya mag isip mga ka baranggay, tatlong taon na naman ba tayo mamumuhay sa kanyang pamamaraan?
“Kapitan , kung alam lang ng mga apo mo ang pinag gagagawa mo, sigurado nanaisin nilang wag na ikaw ang kanilang maging lolo.

Friday, October 8, 2010

For Chairman - Part 1

Itinaas ni Mayor ang aking kamay pagkatapos ko manalo sa Pepsi drinking contest.
Para sa nalalapit na Barangay Election wag nyo akong kalimutan. Akoy handang maglingkod at pasayahin ang aking mga ka-barangay. Joke!
Ako po ay:
1. Hindi umiinom ng alak
2. Hindi nambababae
3. Hindi sugarol
4. Hindi bumibili ng boto

5. Hindi ako nag chochongki6. Hindi naninira ng aking mga katunggali
7. Hindi magpapayaman pag naluklok sa pwesto
8. Hindi rin mahilig magsabi ng totoo


Maging makatotohanan tayo sa pagboto, tayo po ay magi sip. Wag na wag ipagbili ang boto. (joke!)



Mahirap ang buhay ngayon,  kesa sa bumbay kayo lumapit eh ibenta na lang sa akin ang boto nyo. Lalasingin ko pa kayo !
Sabi ng tatay ko, ako na muna ang tumakbo dahil di nya na kaya madali cya mapagod! Pero pag ako ang nanalo, tatay ko din ang magpapatakbo ng  Barangay at siyempre ng aming negosyo.

Iclick ang links para sa iba pang impormasyon:

Welcome to Okashiis

Okashiis the funny place!