Wednesday, October 13, 2010

Bongang Bongang Bandong





Sawa na ko sa mag Jeep, gusto ko iba naman. Salamat bayaw sa suporta ha alam kong kayang kaya mo ako panalunin sa eleksyon. Bayaran na Lahat ang pedeng bayaran, madami naman dyan mukhang pera at walang dangal.
 Ako naman ang uupo tapos “First Kagawad ka”. E di nasa atin pa din ang kapangyarihan.
Inaamin ko naming wala akong alam sa pamumuno, pero madali naman magkunwari, lalo pat meron tayong Abogado sa pamilya. Ano naman ang alam ng mga tao, subukan nilang kalabanin tayo, baka itulad ko sila sa mga ginawa ng mga Ampatuan. Hahaha!
Plano ko talagang palakihin ang sugalan sa Barangay natin. Madali ang pera dito kumpara sa Coca Cola o Pepsi.
Siguro isang taon lang ako maupo mayaman na ako, at ikaw naman bayaw ang magpatakbo. Buhaynn natin Lahat ng negosyo mo na pinasara ni Mayor.

No comments:

Post a Comment